Friday, January 16, 2009

Sa Pangarap nila

Hindi bibihirang nasasaksihan mo sa tuwi-tuwina,
ang sumasalamin sa dahop na buhay at pagkabalisa
hindi minsan lamang na masusulyapan ang pagdaralita,
at nakalulunos na tanawing minsan doon ka nagmula.